2 Philippine eagles ipinadala na sa Singapore para sa breeding at species conservation
Ipinadala na ng Pilipinas araw ng Martes ang isang pares ng critically endangered na Philippine Eagle sa Singapore para i-breed.
Ito ay bilang bahagi ng Philippine Eagle loan deal ng Pilipinas sa Wildlife Reserves Singapore (WRS).
Layon ng loan agreement na maitaas ang populasyon ng Philippine Eagles.
Ayon kay Philippine Eagle Foundation vice chairman Jaime Bautista, naniniwala silang ang pagpapahiram sa mga agila ay makatutulong sa eagle preservation advocacy ng ahensya.
Dinala ang mga agila sa tulong ng Philippine Ailines (PAL).
“Through the PAL Foundation, we are flying the loaned eagles to Singapore because we firmly believe in the eagle preservation advocacy of the PEF,” ani Bautista.
Ang pares ng mga agila ay sina Geothermica ang lalaking eagle, 15 anyos at Sambisig ang babaeng eagle, 17 anyos.
Obligado ang WRS na magpadala ng taunang ulat tungkol sa kalagayan ng dalawa.
Positibo ang PEF na makakabuo ng anak ang dalawang agila na aalagaan sa Jurong Bird Park.
Ito ang unang beses na magpapahiram ng Philippine eagles ang Pilipinas sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.