Nasawi ang apat katao at isa ang sugatan sa serye ng pamamaril ng isang lalaki sa iba’t ibang lokasyon sa Darwin City, Australia, araw ng Martes.
Ito ay isa lamang sa pambihirang insidente ng mass shootings sa bansa na may mahigpit na gun ownership laws.
Ayon kay Northern Territory Police Commissioner Reece Kershaw, ang suspek ay isang 45-anyos na lalaki na dati nang nakulong at napagkalooban lamang ng parola noong Enero.
Naganap ang pamamaril ng suspek sa isang motel at isang bar sa lungsod at naaresto ito makalipas lamang ang isang oras.
Ayon sa ulat, dala ng suspek ang isang pump action shotgun at nagpaputok ito ng higit-kumulang 20 beses.
Isinailalim pa sa lockdown ang buong city center dahil sa pamamaril.
Sinabi naman ng pulisya na mag-isa lamang ang suspek sa paggawa ng krimen na sinegundahan ni Prime Minister Scott Morrison at sinabing hindi terror-related ang insidente.
Ani Keershaw, patuloy na inaalam ang motibo ng suspek sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.