60 na pamilya apektado ng sunog sa QC

By Noel Talacay June 04, 2019 - 09:42 PM

Umabot sa 60 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa Quezon City, Martes ng hapon.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 2:00 ng hapon sa bahagi ng Barangay Paltok.

Umabot ang sunog sa ikatlong alarma.

Bandang 3:53 ng hapon naman nang ideklarang under control na ang apoy.

Wala namang naiulat na nasawi at nasaktan sa sunog.

Patuloy pa rin ang gingawang imbestigasyon ng BFP arson department sa pinagmulan ng sunog.

TAGS: Barangay Paltok, quezon city, sunog, Barangay Paltok, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.