Umento sa sahod para sa public school teachers, may pagkukunan ng pondo – Rep. Tinio

Kinontra ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na kailangang hanapan ng pondo ang salary increase para sa mga pampublikong guro.

Ayon kay Tinio, hindi na kailangang maghanap ng economic managers ng panggagalingan ng pondo para dito.

Paliwanag ni Tinio, mayroong pondo dahil ang P95 bilyon na dapat sana ay kasama sa 2019 budget ang na-veto ng pangulo.

Dito anya maaring kunin ang pandagdag na sahod sa mga guro.

Panahon na anya upang itaas ang sahod ng mga guro bukod pa sa matagal na itong pangako ng pangulo kasunod ng salary increase ng mga pulis.

Dapat anyang gawing batayan ang entry level ng mga pulis at militar na P30,000 kada buwan sa magiging buwanang sahod ng mga bagong guro.

Sa ngayon anya ay P20,000 ang entry level ng mga teachers sa mga public schools.

Read more...