60 flights, apektado ng computer glitch sa pasilidad ng CAAP

Nagkaroon ng computer glitch ang Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP, Martes ng umaga (June 4).

Apektado nito ang nasa 60 na flights.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, nag-umpisa ang glitch bandang 9:44 ng umaga at natapos ng 10:26 ng umaga.

Kinailangan aniyang ihinto ang operasyon para sa kaligtasan ng lahat at pag-implementa ng procedure.

Delikado umano ang blind spots para sa mga pilotong lalapag sa mga paliparan.

Bandang 1:00 ng hapon ay balik sa normal na ang operasyon at nagkaroon ng mga recovery flight.

Read more...