LOOK: 19 lugar, nakapagtala ng mataas na heat index, araw ng Martes (June 4)
Nasa 19 na lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index, araw ng Martes, June 4.
Sa inilabas na datos ng PAGASA weather bureau, naitala ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na may 51.2 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.
Maikokonsidera sa danger category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degrees Celsius.
Pasok sa ‘dangerous level’ ng heat index ang mga sumusunod na lugar:
– Alabat, Quezon (42.8 degrees Celsius)
– Ambulong, Batangas (46.1 degrees Celsius
– Butuan City, Agusan del Norte (41.2 degrees Celsius)
– Casiguran, Aurora (46.3 degrees Celsius
– Davao City, Davao del Sur (42.2 degrees Celsius
– Dipolog, Zamboanga Del Norte (42.7 degrees Celsius
– Iba, Zambales (41.9 degrees Celsius
– Infanta, Quezon (42.2 degrees Celsius
– Legazpi City, Albay (43.7 degrees Celsius)
– Maasin, Southern Leyte (43.9 degrees Celsius)
– Roxas City, Capiz (45 degrees Celsius)
– San Jose City, Occidental Mindoro (43.3 degrees Celsius)
– Sangley Point, Cavite (44.5 degrees Celsius)
– Sinait, Ilocos Sur (41.6 degrees Celsius)
– Tayabas City, Quezon (41.6 degrees Celsius)
– Tuguegarao City, Cagayan (44.7 degrees Celsius)
Samantala, nasa 42.2 degrees Celsius naman ang nairekord na heat index sa NAIA Pasay City sa Maynila.
Habang 42.6 degrees Celsius naman ang heat index sa Science Garden sa Quezon City bandang 2:00 ng hapon.
Matatandaang naitala ang pinakamataas na heat index sa bansa sa Dagupan City, Pangasinan na may 51.7 degrees Celsius noong April 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.