Arestado ang anim na lalaki sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District Office.
Ayon sa paunang ulat ng otoridad, bandang alas 4:45 ng madaling araw, June 4, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa grupo ng mga lalaki na gumagamit ng marijuana sa Barangay Tatalon sa Quezon City.
Agad namang rumesponde ang mga pulis dahilan para maaresto ang anim na lalaking suspek.
Nakilala ang mga suspek na sina Kiev Jasper Panelo Mendoza, 21-anyos; Gary Lafuente Cipriano, 22-anyos; Prince Christopher Gonzales Faller, 19-anyos; Arvie Dampog Develos, 18-anyos; John Paul Cleofa Mendoza, 18-anyos at Ericson Villagas Miraran, 20-anyos.
Nakuha sa mga suspek ang apat na pirasong transparent plastic sachet na hinihinalang dried marijuana, dalawang pirasong glass tube pipe o tooter na may lamang hinihinalang dried marijuana at dalawang pirasong lighter.
Nakakulong ang mga suspek sa Galas Police Station at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A. 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.