Mga suka na gawa sa chemical pinangalanan na ng FDA

By Noel Talacay June 04, 2019 - 06:09 PM

Kinumpirma ng Food and Drugs Administration o (FDA) na may limang brand ng suka na nagtataglay ng synthetic chemical na acetic acid.

Sa inilabas na abiso ng FDA tinukoy nila ang Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim, at Chef’s flavor vinegar na nagtataglay ng nasabing uri ng synthetic flavoring.

Ipinaliwanag ng FDA na ang mga nabanggit na brand ng suka ay hindi dumaan sa natural na proseso sa paggawa ng suka o natural fermentation.

Nilinaw naman ng FDA na ang synthetic acetic acid ay walang masamang epekto sa kalusugan, pero mahigpit parin itong pinagbabawal sa bansa.

Magsasagawa naman ng kaukulang askyon sa mga manufuturer ng mga nabangit na brand dahil lumabag pa rin sila sa ipinapatupad  na panuntunan at regulasyon sa paggawa ng suka ayon sa FDA.

Ginawa ng FDA ang inspeksyon sa iba’t ibang brand ng suka dahil sa ulat na nagkalat sa mga pamilihan ang mga suka na gawa sa mga kemikal.

TAGS: chef's flavor, fake vinegar, Food and Drugs Administration, tentay, chef's flavor, fake vinegar, Food and Drugs Administration, tentay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.