Dating army general itinalaga ni Duterte sa MWSS

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired Philippine Army General Ricardo Caballero Morales sa isang posisyon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa inilabas na appointment paper ng Palasyo ng Malakanyang, magsisilbi si Morales bilang bagong miyembro ng Board of Trustees ng MWSS.

Papalitan nito ang pwesto ni Reynaldo Velasco na dati ring pinuno ng nasabing ahensiya.

Nauna nang sinabi ng pangulo na nais niyang ayusin at isalang sa review ang mga kontratang pinasok ng MWSS sa Maynilad at Manilawa Waters.

Kasunod ito ng naranasang water crisis sa nakalipas na mga buwan sa Met

Samantala, itinalaga naman si Allen Capuyan ng isa ring posisyon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Sa appointment paper na inilabas ng Malacañang, magsisilbi si Capuyan bilang bagong chairman ng N-C-I-P.

Read more...