C.A: Junjun Binay hindi pwedeng humawak ng pwesto sa gobyerno

By Clarize Austria June 04, 2019 - 05:00 PM

Inquirer file photo

Naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals kung saan tuluyan ng pinagtibay ang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan para kay dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Ito ay kaugnay sa maanomalyang sa P1.3 Billion na 10- storey Makati City Science High School building project noong 2007.

Pinagtibay ng CA ang ruling noong June 10, 2017 na guilty si Binay sa serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best of the service kung inalisan na siya ng Karapatan na humawak ng alinmang pwesto sa gobyerno.

Nauna nang sinabi ng Office of the Ombudsman na kahina-hinala ang mga pinalabas na imbitasyon sa bidding na pabor sa kontrator na Hilmarc’s Construction Corporation.

Sinabi pa sa desisyon na nakipagsabwatan umano si Binay sa ilan pang opisyal ng lungsod para sa nasabing proyekto.

Ibinasura naman ng CA ang tatlo pang administrative cases base sa condonation doctrine.

Si dating Makari City administrator Eleno Mendoza ay napatunayang administrative liable sa nasabing kaso at sinuspinde ng anim n buwan na walang sahod.

TAGS: court of appeals, Junjun Binay, makati science high school, ombudsman, court of appeals, Junjun Binay, makati science high school, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.