Ngunit itinanggi ni Pimentel na siya rin pangulo ng administration party ang sinabi ni Sen. Villar na sila ang gumagawa ng gulo sa loob ng Senado.
Ngunit inamin ni Pimentel na sa tatlo nilang bagong senador, Bong Go, Bato dela Rosa at Francis Tolentino, ang dating MMDA chairman na lang ang pino-problema nila sa pagkakaroon ng komite.
Aniya normal lang naman na maging isyu ang committee chairmanship tuwing may papasok na mga bagong senador.
Tiniyak din ni Pimentel na dadalo silang apat pang PDP Laban senators sa pagtitipon ng mga incumbent at incoming senators bukas na ipinatawag ni party campaign manager Sen. Manny Pacquiao.
Samantala, dinipensahan naman ni Sen. Ping Lacson ang pagpapa-ikot ni Pacquiao ng ‘resolution of support’ para kay Senate President Vicente Sotto III.
Kahapon ay umabot sa 14 na mga senador ang nagbigay ng suporta kay Sotto.
Nauna nang lumabas ang mga ulat na posibleng tumakbo bilang senate president si Villar.