PDP walang problema sa Senado ayon kay Pimentel

By Jan Escosio June 04, 2019 - 04:09 PM

Hindi naman minasama ni Senator Koko Pimentel ang naging pahayag ni Senator Cynthia Villar na may panloob na problema ang Partido ng Demokratikong Pilipino- Laban (PDP-Laban).

Ngunit itinanggi ni Pimentel na siya rin pangulo ng administration party ang sinabi ni Sen. Villar na sila ang gumagawa ng gulo sa loob ng Senado.

Ngunit inamin ni Pimentel na sa tatlo nilang bagong senador, Bong Go, Bato dela Rosa at Francis Tolentino, ang dating MMDA chairman na lang ang pino-problema nila sa pagkakaroon ng komite.

Aniya normal lang naman na maging isyu ang committee chairmanship tuwing may papasok na mga bagong senador.

Tiniyak din ni Pimentel na dadalo silang apat pang PDP Laban senators sa pagtitipon ng mga incumbent at incoming senators bukas na ipinatawag ni party campaign manager Sen. Manny Pacquiao.

Samantala, dinipensahan naman ni Sen. Ping Lacson ang pagpapa-ikot ni Pacquiao ng ‘resolution of support’ para kay Senate President Vicente Sotto III.

Kahapon ay umabot sa 14 na mga senador ang nagbigay ng suporta kay Sotto.

Nauna nang lumabas ang mga ulat na posibleng tumakbo bilang senate president si Villar.

TAGS: Koko Pimentel, PDP Laban, senate presidency, Sotto, Tolentino, Villar, Koko Pimentel, PDP Laban, senate presidency, Sotto, Tolentino, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.