Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maraming mga resolusyon na inihain ang Makabayan Bloc para sa mga paglabag ng pamahalaan sa karapatang pantao subalit bigo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na aksyunan ang mga ito.
Paliwanag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, walang isinagawang malalimang imbestigasyon ang Kamara sa 17th Congress patungkol sa mga extrajudicial at political killings.
Pero dahil naihabol ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa Human Rights Defenders Bill sa ikatlo at huling pagbasa, sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na hindi sila nawawalan ng pag-asa na matalakay pa rin sa 18th Congress ang mga usapin tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Giit ng mga ito, maalala ang 17th Congress bilang passive sa sa pagsusulong sa karapatan ng mga nagsusulong sa karapatang pantao.