Dagdag na combat team ng Philippine Army dumating sa Zamboanga City
By Jimmy Tamayo June 04, 2019 - 12:19 PM
Dumating na sa Zamboanga City ang 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army.
Ang mga sundalo ay magsisilbing augmentation force ng Western Mindanao Command (Westmincom) para sa opensiba laban sa Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Westmincom information officer, Col. Gerry Besana, ang 1BCT ay magsasagawa ng focused military operations laban sa ASG sa Sulu.
Tiwala naman si Westmincom chief, Lt. Gen. Arnel Dela Vega na dahil sa dagdag na pwesra ay mas mapapalakas pa ang kampanya nila laban sa bandidong grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.