Construction worker patay makaraang mahulig sa ginagawang gusali sa Maynila

By Jimmy Tamayo June 04, 2019 - 12:16 PM

Patay ang isang construction worker makaraang mahulog sa ika-21 palapag ng ginagawang condominium building sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Jumar Sanchez, 24-anyos at nagtratrabaho bilang pintor sa ginagawang gusali.

Kwento ng ilang mga saksi at kasamahan sa trabaho ng biktima, nawalan ng balanse si Sanchez matapos na alisin ang kanyang body harness.

Nakakapit pa umano ito sa lubid bago tuluyang bumagsak.

Ang gusali ay pagmamay-ari ng Lucky 818 Corporation habang ang contractor naman ng proyekto ay ang Policome Construction Corporation.

Aalamin naman ng Manila Police District kung nagkaroon ng kapabayaan at kung sinusunod ang safety measures sa construction site.

TAGS: accident, construction site, manila, Radyo Inquirer, accident, construction site, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.