Publiko pinag-iingat ng NCRPO sa krimen na iniuulat sa social media

Nanawagan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mag-ingat sa pagsusumbong ng mga nangyayaring krimen na kumakalat sa social media.

Ito’y makaraang kumalat ang isang video kung saan makikita ang dalawang lalaki na binabaril ang isang sasakyan na nangyari ‘di umano sa Caloocan City.

Dahil dito agad na inatasan ni NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar si Northern Police District chief Brig. General Rolando Anduyan na imbestigahan ang nasabing ulat.

Pero sinabi ni Anduyan na walang ganitong pangyayari sa lungsod.

Nang ipasuri ni Eleazar sa anti-cybercrime division ang nasabing video ay dito nila natuklasan na ang shooting incident ay hindi nangyari sa Pilipinas kundi sa New Delhi, India.

Kaya naman apela ni Eleazar sa publiko na ipaberipika muna ang pinipost sa social media.

Read more...