Malakanyang inabisuhan na ang PCGG para ituloy ang auction sa mga alahas ni Rep. Imelda Marcos

By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 12:11 PM

Nakipag-ugnayan na ang Office of the President sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) kaugnay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasubasta na ang P704.8 million na alahas ni dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, naimpormahan na ng Malakanyang ang PCGG na walang pagtutol ang pamahalaan sa auction sa mga alahas.

Kinumpirma din ni Medialdea na kahapon, araw ng Lunes (June 3) ay naipalabas na ang kautusan ng pangulo para sa pagsubasta sa Marcos jewelry collection.

Una nang sinabi ng Malakanyang na tututulan nito ang anumang tangkang harangin ang public auction sa mga alahas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nais ng pangulo na mapakinabangan ng publiko ang kikitain sa auction.

TAGS: auction, marcos jewelries, PCGG, auction, marcos jewelries, PCGG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.