Lalaking sumasailalim sa drug rehab patay sa pananambang sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 11:54 AM

Patay ang isang lalaki makaraang tambangan ng dalawang suspek sa Davao City.

Nangyari ang pananambang sa loob ng Jade Valley Subdivision sa Barangay Buhangin, Martes (June 4) ng umaga.

Sakay ng kaniyang kotse ang biktimang si Eduarte Te, 50 anyos nang isang kulay puting kotse ang dumating at saka siya pinagbabaril ng mga sakay nitong suspek.

Apat na basyo ng kalibre 45 na baril ang nakuha sa crime scene.

Kwento ng live-in partner ng biktima na si Diane Matias, sumasailalim sa community-based drug rehabilitation si Te.

Taong 2015 pa aniya nang ito ay gumamit ng ilegal na droga at nagpasya itong magbago.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, Davao City, Radyo Inquirer, ambush, Davao City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.