7-anyos na batang babae, ginahasa at isinilid sa sako sa Negros Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 11:20 AM

Natagpuang nakasilidad sa sako ang katawan ng isang pitong taong gulang na batang babae sa Barangay 6-A, Victorias City, Negros Occidental.

Sa isinagawang autopsiya ng Victorias City Health Office sa katawan ng bata kumpirmadong biktima ito ng rape.

Ayon kay Col. Eduardo Corpuz, Victorias City police chief, ang biktima na isang Grade 2 student ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Dislocated din ang leeg nito ay may laceration sa maselang bahagi ng katawan.

Kinilala naman ni Corpuz ang suspek sa sa krime na si Mark Besa, na isang high value target sa war on drugs sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, inutusan ng suspek ang bata na bumili ng sigarilyo at ilang oras ang nakalipas ay nakita na ang katawan nito sa isang bakanteng lote.

Mayroon ding testigo ang nagsabi na tinangka pa ng suspek na ilibing ang katawan ng biktima para itago ang krimen.

Pinaghahanap na ngayon ang suspek.

TAGS: crime, Murder, Negros Occidental, rape, victorias city, crime, Murder, Negros Occidental, rape, victorias city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.