
Idinaan ni Albay Governor Joey Salceda sa ‘hugot lines’ ang kaniyang mga facebook posts matapos makaraos ang lalawigan sa pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon kay Salceda, bagaman nananatiling walang kuryente ang buong lalawigan ng Albay, nagpapasalamat pa rin sila dahil walang naitalang casualty sa lalawigan.
Bago pa kasi dumaan sa lalawigan ang bagyo nagdeklara na ng state of imminent disaster sa Albay, at nagpatupad na ng paglilikas sa libu-libong mga residenteng naninirahan sa mga coastal areas.
Narito ang mga facebook post ni Salceda gamit ang hastag na #HugotBagyo.
Positibo naman ang dating ng nasabing mga post ni Salceda sa kaniyang mga followers.
Ayon sa isa sa sa mga nagkomento, matapos ang bagyo, pampa-feel good ang mga posts ni Salceda.
May nagsabi ring nakakawala ng stress at pambalanse ng pakiramdam ang mga FB post ng gobernador.
“Hypermode si Gov… I love your hugot bagyo lines!Good morning po! So proud of you Gov! Zero Casualty!,” ayon sa isa sa mga nag-komento.
Nananatiling suspendido ngayong araw ang klase sa buong lalawigan ng Albay.
Samantala, kakaibang paraan naman ng pag-anunsyo ng class suspension ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kaniyang facebook account.
Gamit ang awiting ‘Ang Pasko ay Sumapit’, nagpost si Remulla ng class suspension para sa araw na ito.
“Ako po talaga. I always try to be creative in doing everything.” Sinabi ni Remulla.