Human Rights Defenders Bill lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon June 04, 2019 - 09:25 AM

Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Human Rights Defenders Bill.

Sa botong 183 na YES at 0 na NO lumusot ang House Bill 9199 na naglalayong bigyan ng garantiya ang karapatan ng mga Human Rights Defenders.

Itinatakda sa panukala ang mandato para sa mga state at public authorities na igalang, protektahan at tugunan ang karapatan at kalayaan ng HRD; at pagpataw ng karampatang parusa para labanan ang impunity.

Samantala, itinuturing namang makasaysayan ng ilang kongresista ang pagkakapasa ng panukala.

Ikinatuwa nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Albay Rep. Edcel Lagman ang pagkakapasa ng HRD matapos ang ilang taong pagsusulong nito.

Ayon kay Zarate, ngayong tumataas ang bilang ng kaso ng extra judicial killings at harassment sa mga aktibista sa bansa, hindi na maaring isabalewala ang aniya’y katibayan na ito ng “deteriorating” state ng karapatang pantao sa bansa.

Umaasa naman si Lagman na maaprubahan din ng Senado ang counterpart bill nito bago pa man mag-adjourn ang session ng Kongreso.

TAGS: House of Representatives, Human Rights Defenders Bill, House of Representatives, Human Rights Defenders Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.