iTunes mamamaalam na ayon sa Apple

Nakatakda nang i-phase out ng Apple ang iTunes at maglulunsad ito ng tatlong bagong modernong apps.

Inaunsyo ng Apple na ang iTunes ay aalisin na at papalitan na ng trio desktop apps na kapapalooban ng Music, TV at Podcasts.

Ang Apple users na mayroong iTunes ngayon, ang mga previous purchases nila at libraries ay mananatili sa bagong app sa Mac computers.

Ayon sa Apple hindi mabuburo ang mga downloaded na kanta sa iTunes.

Maari pa rin itong ma-access ng users sa pamamagitan ng Apple Music.

Inilunsad ang ITunes noong 2001 at ang music store nito ay inilunsad noong 2003.

Read more...