Jay-Z itinanghal na ‘richest hip-hop artist’

Itinanghal na ‘richest hip-hop artist’ si Jay-Z ayon sa datos ng Forbes.

Ayon sa Forbes, sa kasaysayan, si Jay-Z ang naging kauna-unahang bilyonaryo sa larangan ng hip-hop.

Ayon sa Forbes, mayroong SU$1.54 billion na kabuuang yaman si Jay-Z o Shawn Carter sa totoong buhay.

Maliban sa kita sa entertainment industry ay galing ang yaman ni Jay-Z sa kaniyang stakes sa ilang sikat na brand ng alak, share niya sa Uber, real estate at iba pang negosyo.

Pumangalawa kay Jay-Z si Sean “Diddy” Combs na mayroong net worth na US$820 million.

Si Dr. Dre naman ay may net worth na US$740 million.

Read more...