Apat na sasakyan nagkarambola sa northbound ng NLEX

By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 08:33 AM

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan sa northbound lane.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni NLEX Traffic Senior Manager Robin Ignacio, nangyari ang aksidente alas 5:22 ng umaga ng Martes (June 4) sa bahagi ng Lawang Bato, Valenzuela northbound.

Sangkot sa aksidente ang apat na sasakyan na kinabibilangan ng dalawang truck at dalawang closed van.

Bigla umanong nagbagal ng andar ang 10-wheeler truck na nasa harapan at hindi agad nakapreno ang mga nasa likuran nito.

Dalawang linya ang inokupahan ng mga naaksidenteng sasakyan kaya umabot sa halos 2 kilometro ang tail-end ng traffic.

Pasado alas 8:00 ng umaga sinabi ni Ignacio na naialis naman na sa lugar ang mga sangkot na sasakyan.

TAGS: accident, Lawang Bato, NLEX, Radyo Inquirer, accident, Lawang Bato, NLEX, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.