Comelec pinagpapaliwanag ng grupong ‘Silent Majority’ sa aberya noong May 13 elections

By Ricky Brozas June 04, 2019 - 08:08 AM

Umapela sa Commission on Elections (Comelec) ang grupong Silent Majority para magpaliwanag sa kaugnay mga isyu ng aberya sa katatapos na midterm national at local elections.

Sa 8-pahinang manifestation and petition, iginiit ng grupo sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Jocelyn Marie Acosta na nabigo ang Comelec na makamit ang malinis at may kredibilidad na halalan.

Katunayan, nakitaan aniya ng samot saring mga kontrobersya ang halalan mula pa lamang sa panahon ng kampanya hanggang sa paglalabs ng resulta ng bilangan. Maging ang pagpili sa dominant minority at majority party.

Tinukoy din nila ang mga pumalpak na SD cards, depektibong vote counting machines at ang kinukwestyong 7-oras na na pagkakaantala ng transparency server.

Dahil dito, naglatag ng walong kahilingan ang Silent Majority:

– maglabas ng kabuuang detalye ng lokasyon o lugar ang Comelec kung saan naranasan ang mga depektibong VCM at SD cards.

– maglabas ng lokasyon ng mga presintong nakitaan ng over votes.

– magsagawa ng manual audit sa mga presintong apektado ng mga pumalyang VCM at SD cards.

– ilabas ang audit system logs

– bumuo ng isang independent body na magsasagawa ng imbestigasyon sa lahat ng mga iregularidad sa halalan.

– at papanagutin ang lahat ng nakibahgi sa mga paglabag sa halalan.

TAGS: comelec, elections, SC Cards, VCM, comelec, elections, SC Cards, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.