Listahan ng mga bawal na bagay sa mga tren inilbabas ng OTS
Inilatag ng Office for Transportation Security (OTS) ang mga ipinagbabawal na bagay sa mga railways o rail system sa bansa.
Ayon sa OTS, ang paglalabas ng standard list ng mga bawal na gamit sa mga tren ay para matiyak ang seguridad sa biyahe at ng mga pasahero.
Kabilang sa ipinagbabawal na ipasok sa railways ang mga sumusunod:
– baril, armas, at bala
– matutulis at matatalas na bagay, at iba pang maaring makapanakit
– pampasabog o sangkap nito
– Dangerous Goods
– Flammable at Poisonous Liquids, Gases at kahalintulad nito
Ayon kay OTS Administrator Usec. Arturo M. Evangelista ang train operators ay maaring magdagdag sa listahan para maiwasan ang anumang banta ng terorismo sa railway system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.