LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 4
By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 07:01 AM
Nabawasan ang antas ng tubig sa lahat ng mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Martes, June 4 ang water level sa Angat dam ay nasa 167.81 meters.
Mas mababa ito kumpara sa168.38 meters kahapon.
Nabawasan din ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.81 meters.
Ang iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya ay pawang nabawasan din ang water level.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.