30 patay sa crackdown laban sa mga raliyista sa Sudan

AFP Photo
Umakyat na sa 30 ang bilang ng nasawi sa crackdown ng security forces sa Sudan laban sa mga raliyista.

Ito na ang maituturing na pinakamarahas na sitwasyon sa Sudan matapos mapatalsik nuong Abril si President Omar al-Bashir.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang mga nasawing raliyista.

Nanawagan naman ng independent investigation si UN Secretary General António Guterres sa marahas na crackdown.

Kasalukuyang pinamamahalaan ng isang military council ang Sudan.

Read more...