Abueva ipinatawag ng PBA commsioner kasunod ng isyu sa GF ni Parks

By Len Montaño June 04, 2019 - 04:28 AM SHARE(S):

Ipinatawag ng PBA si Phoenix forward Calvin Abueva matapos ang dalawang magkasunod na kontrobersya sa dalawang magkahiwalay na laro.

Nakatakdang mag-usap sina PBA commisoner Willie Marcial at Abueva Martes ng hapon.

Nasangkot sa gulo si Abueva matapos ang malalaswang sensyas nito sa kasintahan ni Blackwater rookie Ray Parks Jr. sa huling bahagi ng kanilang laro noong nakaraang linggo.

Kalauanan ay pinagmulta ng sariling team si Abueva matapos imbestigahan ang insidente.

Noong Linggo ay tinanggal mismo ng Phoenix si Abueva sa laro kontra sa TNT Ka Tropa dahil naman sa nangyari sa kanila ni import Terrence Jones na tumagal ng ilang minuto.

Ipinatawag din ni Marcial sa meeting si Jones.

 

TAGS: calvin abueva, PBA, PBA commisoner Willie Marcial, Phoenix, Ray Parks Jr., Terrence Jones, TNT Ka Tropa, calvin abueva, PBA, PBA commisoner Willie Marcial, Phoenix, Ray Parks Jr., Terrence Jones, TNT Ka Tropa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.