Magkahiwalay na pagyanig naitala sa Masbate at Davao Oriental

By Rhommel Balasbas June 04, 2019 - 04:24 AM

Dalawang lindol ang naitala sa Masbate at Davao Oriental Martes ng madaling araw ayon sa Phivolcs.

Alas-12:08 nang maitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa pitong kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Batuan sa Masbate.

May lalim itong limang kilometro.

Magnitude 3.1 naman ang yumanig sa 105 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

May lalim naman itong 31 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks.

 

TAGS: aftershocks, Batuan, davao oriental, Governor Generoso, lindol, Magnitude 3.0, magnitude 3.1, Masbate, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic, aftershocks, Batuan, davao oriental, Governor Generoso, lindol, Magnitude 3.0, magnitude 3.1, Masbate, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.