‘Iftar for a Cause’ idinaos sa UP Diliman

By Rhommel Balasbas June 04, 2019 - 04:11 AM

Isinagawa ang taunang “Iftar for a Cause” sa UP Diliman Lunes ng gabi.

Ito ay sa pangunguna ng US Embassy at ng UP Institute for Islamic Studies.

Ang ‘iftar’ ay tumutukoy sa isang salu-salo na simbolo ng pagtatapos ng isang araw na namang pag-aayuno ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan.

Sa “Iftar for a Cause” kagabi, naghapunan ang mga kinatawan ng iba’t ibang relihiyon bilang pakikiramay sa sitwasyon ng mga Muslim sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Panawagan ni UP President Danilo Concepcion ang panalangin para sa mga Muslim na biktima ng karahasan at pagpapakalat sa mensahe ng kapayapaan.

Magugunitang nakararanas ng pagsubok ang mga muslim sa Marawi, ang Rohingya Muslims sa Myanmar at ang Uighur Muslims sa China.

Samantala, iginiit ni US Embassy Deputy Chief of Mission John Law na patuloy na ipaglalaban ng Estados Unidos ang freedom of religion lalo na ang religious minorities.

 

TAGS: UIP Diliman, UP Institute for Islamic Studies, UP President Danilo Concepcion, US Embassy Deputy Chief of Mission John Law, UIP Diliman, UP Institute for Islamic Studies, UP President Danilo Concepcion, US Embassy Deputy Chief of Mission John Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.