Mga sasakyang pandagat hindi pa rin pinapayagang maglayag

stranded-passengersWala pa ring pinapayagan na maglayag ang Philippine Coast Guard lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyong Nona.

Sa ngayon nasa 6,828 na lamang ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan mula sa 7,934 kahapon.

Ayon sa PCG Action Center, may mga stranded sa pantalan ng National Capital region, Central Visayas, Southern Tagalog, Western at Eastern Visayas, Northeastern Luzon, at Bicol.

Pinakamaraming stranded ay mula sa Southern Tagalog na may 2,265 stranded passengers, 20 barko, 16 na motor bancas at 317 rolling cargoes.

Sinundan dito ng Eastern Visayas na may 1,503 na mga stranded passengers, at 6 na barko at 320 rolling cargoes.

At sumunod naman ang Bicol na may 1,002 na mga stranded passengers.

Sa kabuuan mayroon 102 na mga barko ang stranded, 36 na motor bancas at 829 na mga rolling cargoes dahil sa bagyong Nona.

Sinabi ng PCG na wala pa ring pinapayagang mga barko na makapaglayag sa 57 Pier sa buong bansa kahit na inalis na ang storm warning signal sa ibang lugar.

Mataas pa rin kasi ang alon sa mga baybaying dagat dulot ng bagyong Nona.

Read more...