Mula alas-3:00 ng hapon ay pinangungunahan ni Pichay ang sesyon sa Mababang Kapulungan.
Agad na pinuntahan ng medical team si Pichay at sinakay sa wheelchair upang bigyan ng first aid.
Dinala ito sa St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.
Nang tanungin ng media ang kanyang kondisyon habang inilalabas sa Kamara, sinabi ni Pichay na ayos lamang siya at hindi gaanong masama ang kanyang pakiramdam.
Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate na nagkaroon ng mataas na blood pressure si Pichay.
Pansamantalang humalili kay Pichay bilang presiding officer ang kapwa niya deputy speaker na si Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano.
Samantala, sa Facebook post mula sa tanggapan ni Pichay, nakasaad na ang opisyal na diagnosis sa kongresista ay nosebleed.
Tiniyan naman sa publiko na maayos ang kundisyon ng mambabatas at inaasahang dadalo ito sa sesyon ngayong Martes para ituloy ang kanyang tungkulin bilang Deputy Speaker.
Nagpasalamat ang pamilya ni Pichay sa emergency response team sa Kamara, sa mga constituents, kaibigan at kapwa kongresista nito sa kanilang pag-aalala.