WATCH: Morissette Amon at Will Smith nagkita; Pinay singer kinanta ang “A Whole New World”

By Len Montaño June 04, 2019 - 03:09 AM

Screengrab of Disney Philippines video

Tila naging isang “A Whole New World” para sa singer na si Morissette Amon nang nagkaroon ito ng pagkakataon na makita ang Hollywood actor na si Will Smith at makasamang kumanta ang Disney composer na si Alan Menken.

Sa post ng Disney Philippines, mapapanood ang video ng pagkikita nina Morissett at ng dalawang international celebrities sa promosyon ng Disney movie na “Aladdin.”

Sinabi ni Menken na si Lea Salonga ang nagsabi sa kanya ukol kay Morissette, bagay na ikinatuwa ng singer.

Matatandaan na si Lea ang orihinal na boses ng karakter na si Prince Jasmine sa 1992 animated film na “Aladdin.”

Hiniling ni Smith, ang gumanap bilang Genie sa bagong bersyon, na kantahin ni Morissette ang naturang sikat na kanta.

Habang tumutugtog sa piano si Menken ay kumakanta naman ni Morisette na umani ng papuri mula sa composer at sa aktor.

Una nang napili si Morissette na gumawa ng local version ng kanta kasama si Darren Espanto.

TAGS: A Whole New World, Aladdin, Alan Menken, Disney, Morissette Amon, Prince Jasmine, Will Smith, A Whole New World, Aladdin, Alan Menken, Disney, Morissette Amon, Prince Jasmine, Will Smith

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.