Eid’l Fitr pormal na gugunitain bukas, June 5

Inanunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na pormal na gugunitain ng mga Filipinong Muslim ang Eid’l Fitr bukas, araw ng Miyerkules.

Ito ay matapos hindi mamataan ng moonsighting committees sa buong bansa sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta ang isang bagong buwan noong Lunes ng gabi.

“The National Commission on Muslim Filipinos, as the government agency tasked with providing accurate information in relation to the affairs of Muslim Filipinos, announces that all Moonsighting Committees nationwide, including the Bangsamoro Darul Ifta, have all reported NOT SIGHTING the New Moon (Hilal) for the 1st day of Shawwal 1440 AH. As such, and as declared by the Bangsamoro Darul Ifta, it is hereby officially declared that the 1440 AH EID’L FITR will be celebrated on Wednesday, June 5, 2019.” ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan.

Kung namataan ang isang bagong buwan noong Lunes ng gabi, posibleng ipagdiwang na ang Eid’l Fitr ngayong araw.

Ang Eid’l Fitr ay espesyal na araw na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan na panahon ng pag-aayuno, pagninilay at pagdarasal ng mga Muslim.

Ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr sa loob ng tatlong araw at nagsisimula ito depende sa sighting ng bagong buwan.

Ayon kay Sheikh Abduwaki Tanjilil, deputy mufti ng Darul Ifta ng Western Mindanao at Palawan, makikilahok sa mga panalangin at pagtitipon sa mga mosque at open spaces ang Muslim Filipinos bukas.

Magbabatian ang isa’t isa at magbabahagian ng mga pagkaing inihanda para sa espesyal na araw na ito.

Nagpaalala pa si Tanjilil sa Muslim Filipinos na huwag kalimutang magbigay ng tulong at buyaya sa mahihirap dahil isa ito sa five pillars ng Islam.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang regular non-working holiday sa buong bansa ang Eid’l Fitr.

 

Read more...