Sunod na Speaker, dapat lubusang kilala ni Duterte ayon sa isang political analyst

By Len Montaño June 04, 2019 - 01:16 AM

Iginiit ng isang political analyst na dapat kadikit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simula pa lamang ang magiging Speaker ng Kamara sa 18th Congress.

Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, bagamat tahimik ang Malacañang sa usapin hinggil sa pagpili ng House Speaker at Senate President, posibleng mas pipiliin umano ni Pangulong Duterte ang mas pinagkakatiwalaan na niya noon pa man.

Mahalaga anya ang nalalabing tatlong taon sa termino ng Punong Ehekutibo kaya mas pipiliin nito ang kilala na niya ng lubusan at alam niyang magsusulong ng kanyang legislative agenda.

Paliwang ni Casiple, ito ang magiging “disadvantage” kung bagito o baguhan lamang ang magiging susunod na lider ng Kamara dahil wala pa itong working relationship sa Pangulo.

Pero “plus factor” naman din aniya kung kaalyado at supporter ng Pangulo ang isang kandidato sa simula pa lamang dahil mayroon naman itong sapat na tiwala kumpara sa mga lumipat lamang daw ng bakuran.

Pahayag ito ni Casiple matapos na lumabas ang kontrobersiyal na larawan mula sa Japan kung saan kasama ni Pangulong Duterte ang tatlong nagnanais na maging susunod na Speaker ng Kamara na sina Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at Leyte Representative-elect Martin Romualdez.

 

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, house speaker, kilala na, Lord Allan Velasco, Martin Romualdez, mon casiple, Rodrigo Duterte, 18th congress, Alan Peter Cayetano, house speaker, kilala na, Lord Allan Velasco, Martin Romualdez, mon casiple, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.