Sotto tahimik kaugnay ng suporta sa kanya ng 14 na kapwa senador

By Jan Escosio June 04, 2019 - 12:56 AM

Tumangging magbigay ng komento si Senate President Vicente Sotto III sa resolusyon ni Senator Manny Pacquiao na layon malaman kung sino-sino ang sumusuporta sa kasalukuyang pamunuan ng Senado.

Katwiran ni Sotto, magiging ‘self serving’ ang kanyang komento ukol sa resolusyon dahil patungkol ito sa kanyang kasalukuyang posisyon sa Senado.

Bahala na anya ang kanyang mga kapwa senador sa isyu.

Samantala, inamin ni Pacquiao na siya ang nagpasimuno sa resolusyon.

Paliwanag ni Pacquiao, ito ay pagpapahayag lang ng suporta kay Sotto.

Tiwala si Pacquiao na higit pa sa 12 senador ang suportado pa rin si Sotto bilang pinuno ng Senado.

Naniniwala rin si Pacquiao na solid silang limang PDP-Laban senators, kabilang sina Sen. Koko Pimentel at incoming Senators Bong Go, Bato dela Rosa at Francis Tolentino, para kay Sotto.

 

TAGS: 14 senador, PDP Laban, resolusyon, self serving, Senator Manny Pacquiao, suporta, Vicente Sotto III, 14 senador, PDP Laban, resolusyon, self serving, Senator Manny Pacquiao, suporta, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.