Kabilang dito ang bill ukol sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) na ayon sa Senado ay dapat na mas maagang nailabas para nagkaroon ang mga senador ng sapat na panahon para ito ay talakayin.
Sa liham kay Senate President Tito Sotto, sinertipikahan ng Pangulo na urgent ang Senate Bill 2232 na layong ipatupad ang ROTC para sa Grades 11 at 12 sa public at private schools.
Pero sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na “next to impossible” nang maaprubahan ang mga panukalang batas dahil huling sesyon na ng Kongreso araw ng Martes bago ang adjournment ng 17th Congress.
Sinabi ni Zubiri na dapat ay mas maagang nailabas ang certification of urgency.
Gayunman ay umaasa ang senador na maaprubahan ang mga ito sa susunod na 18th Congress.
Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na kulang na sa oras partikular ang pagkakaroon dapat ng bicameral conference committee kahit naaprubahan pa ang panukalang batas.