P6M halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Maynila

By Len Montaño June 03, 2019 - 11:51 PM

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P6 milyong halaga ng shabu at apat na katao ang naaresto sa buy bust operation sa isang hotel sa Ermita, Manila Lunes ng hapon.

Isinagawa ng operasyon 5:30 ng hapon ng pinagsanib na mga operatiba mula sa PDEA Metro Manila, Calabarzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslin Mindanao (ARMM).

Naaresto sa operasyon sina Soebir Sbir Madaili, 54; Saipoding Pumbaya, 23; Saipoden Alnao Sultan, 32; at Johary Mamocarao Maromaya, 18.

Ayon sa PDEA, isa pang suspek na si Fajad Sultan ang nakatakas.

Bukod sa droga na tinatayang 1 kilo, narekober ng PDEA ang P1,000 bill at P500 bill mula sa mga suspek.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

 

TAGS: 1 kilo, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, hotel, P6M halaga, PDEA, shabu, 1 kilo, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, hotel, P6M halaga, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.