Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na pagkakaroon ng Home Visitation Program para sa mga ina at mga sanggol.
Unanimous ang naging boto ng mga kongresista na dumalo sa sesyon para sa House Bill 9186 o ang Maternal and Infant Health Home Visitation Program na layong protektahan ang buhay ng mga nanay at ang mga ipinagbubuntis na sanggol.
Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang gobyerno na magbigay ng prenatal at postnatal maternity at infant care services sa ilalim ng home visitation program.
Oobligahin ang mga health centers na magtalaga ng health professional o isang qualified nonprofessional na siyang maghahatid ng maternal at infant care services sa mismong tahanan ng mga beneficiaries.
Ang mga buntis na may edad na hindi hihigit sa 21 taong gulang o ang pamilya na may sanggol na hanggang isang taon at kabilang sa may pinakamababang kita ay eligible para makatanggap ng maternal at infant care services.
Kabilang sa maternal at infant care services ay counseling sa lahat ng aspeto ng prenatal care, childbirth at motherhood, nutrition at general family counseling gayundin ang physical examination sa mga nanay at sanggol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.