NUPJ kinondena ang ginawa ni Erwin Tulfo laban kay Bautista

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naging asal ni Erwin Tulfo sa kanyang programa kaugnay kay DSWD Secretary Rolando Bautista.

Ayon sa NUJP, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Tulfo na panghihiya kay Baustista sa publiko.

Bagaman kinikilala ng NUJP na responsibilidad ng mga mamamahayag na punahin ang mga ospiyal ng gobyerno, ang mga pahayag ni Tulfo ay wala umanong kaugnayan kung ginagawa ba ng Kalihim ang kanyang trabaho o hindi.

Nanawagan naman ang grupo sa mga miyembro ng media na sana ay makita ang epekto ng “unethical” at “irresponsible” na pamamahayag na nakakaapekto sa propesyon at pati na rin sa iba pa.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Tulfo kay Bautista patungkol sa nangyari.

Kasunod din ng insidente ay nirecall ng PNP at AFP ang security escorts sa magkakapatid na Tulfo na sina Erwin, Raffy, Ben, at Mon.

 

Read more...