Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding para sa araw ng Miyerkules, June 5.
Sa inilabas na abiso ng MMDA, ito ay para sa pakikiisa sa mga Muslim sa paggunita ng Eid’l Fitr.
Ang Eid al-Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo bilang tanda ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan.
Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maagang planuhin ang kanilang mga lakad.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 729, series of 2019 para sa deklarasyon sa Feast of Ramadhan o Eid’l Fitr sa June 5 bilang regular holiday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.