5th most wanted sa Muntinlupa City huli sa police operation

By Clarize Austria June 03, 2019 - 04:47 PM

Naaresto na ng pulisya ang ika-lima sa most wanted suspect sa Muntinlupa City araw ng Linggo, June 2.

Ayon sa ulat, nahuli si Fab Curitina alyas “Ace Lopena”, 21 anyos, sa isinigawang operasyon ng Muntinlupa Police sa Binan, Laguna.

Nakuha kay Curitina ang tatlong Armscor 9mm at isang .38 calibre pistol, isang 9mm na Glock17 ang may tamprered PNP markings, dalawang motorsiklo, at isang picklock.

Natunton ng pulisya ang pinagtataguan ni Curitina nang umamin si Virgilio Baldrias o alyas Bernie sa kinaroroonan nito matapos mahulihan ng baril sa isang checkpoint sa Brgy. Putatan sa nasabing lungsod.

Dali-daling nagsagawa ng follow-up operasyon ang pulisya kung saan nahuli sa aktong magnanakaw ang suspek.

Nakatakas naman ang kasama nito sa nasabi ring police operation.

Napag-alaman na sangkot din si Curitina sa mga pagnanakaw ng baril sa Quezon City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Muntinlupa Police ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possesion of Firearms kaugnay ng umiiral pa ring gun ban.

TAGS: ace lopena, arscor, fab curtilina, glock, Most wanted, Muntinlupa City, RA 10591, ace lopena, arscor, fab curtilina, glock, Most wanted, Muntinlupa City, RA 10591

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.