NAIA nag-sorry sa publiko dahil sa carousel breakdown

Inquirer file photo

Humingi ng tawad si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa naranasang aberya ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ito ay bunsod ng isinasagawang rehabilitasyon sa nasabing terminal ng paliparan.

Sa inilabas na pahayag, humingi si Monreal ng pang-unawa at pag-intindi sa sitwasyon sa lugar.

Oras aniya na matapos ang rehabilitasyon, magiging mas maayos na sistema sa paliparan.

Noong araw ng Sabado, pitong biyahe patungong Maynila ang nakaranas ng carousel breakdown.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa March 2020.

Read more...