Marcos jewelries hindi pa maipasusubasta ayon sa PCGG

By Angellic Jordan June 03, 2019 - 03:34 PM

Inquirer file photo

Hinihintay pa rin ng Presidential Commission on Good Government o P-C-G-G ang pormal na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusubasta ng jewelry collection ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang inilalabas na pormal na aksyon mula sa punong ehekutibo.

Posible aniyang magkaroon ng mga tiyak na instruction si Pangulong Duterte ukol dito.

Nagkakahalaga ang mga alahas na isusubasta ng P704.8 Million.

Bahagi ang tinatawag na Hawaii jewelry collection ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng narekober na asset mula sa pamilya Marcos.

Matatandaang inihayag ni Presidental spokesman Salvador Panelo na aprubado na ni Duterte ang pagsusubasta ng mga alahas.

Aniya, sinabi ng pangulo na kailangang makarating sa taumbayan ang sales nito.

TAGS: duterte, guevarra, hawaii jewelries, Marcos, PCGG, duterte, guevarra, hawaii jewelries, Marcos, PCGG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.