Bagyong Nona, bumagal, matapos maglandfall sa Romblon

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2015 - 07:01 AM

Nona Dec 15 7AmNagkaroon na ng ikaapat na landfall ang bagyong Nona sa bahagi ng Bantog, Romblon kaninang alas 5:30 ng umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Manny Mendoza na ang pagtama ng bagyong Nona sa kalupaan ng Bantog ang ikaapat na nitong landfall, dahil nagkaroon na ito ng tatlong landfall kahapon.

Sa press briefing ng PAGASA kaninang umaga, sinabing ang ikaapat na landfall ng bagyong Nona ay magaganap sa Oriental Mindoro.

Pero ayon kay Mendoza, kahit tumama sa kalupaan ng Romblon, maglalandfall pa rin ang bagyo sa Oriental Mindoro ngayong araw.

Dahil sa ikaapat na landfall muling bumagal ang bagyong Nona at ngayon ay 15 kilometers kada oras na lamang ang kilos mula sa 17 kilometers kada oras.

Samantala, sinabi ng PAGASA na maliit na ang tsansa na itaas pa ang storm warning signal sa Metro Manila dahil sa patuloy nang paghina ng bagyong Nona habang ito ay kumikilos palabas ng bansa.

TAGS: typhoon nona hits landmass of bantog romblon, typhoon nona hits landmass of bantog romblon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.