Failure of elections nangyari noong 2019 elections ayon sa ilang mambabatas

By Erwin Aguilon June 03, 2019 - 01:02 PM

Iginiit ng ilang kongresista na nagkaroon ng failure of elections sa katatapos na 2019 midterm polls lalo na sa party-list groups.

Sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Public Accounts may kaugnayan sa audit observations sa suppliers at contractors ng automated polls, ipinresenta ng COMELEC ang archive o kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2013, 2016 at 2019 elections.

Nadiskubre dito na 2019 lamang inilagay sa likod ng mga balota ang party-list groups dahil nais ng COMELEC na i-optimize o paiksiin ang ballot paper para makatipid.

Hindi naman ito tinanggap ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at iginiit na dahil sa kagustuhang maging masinop ay nakompromiso naman ang bilang ng mga botante na gustong pumili ng party-list.

Mula sa 63 milyong rehistradong botante ay 27 milyon lamang ang nakaboto habang ang karamihan ay hindi nakita o hindi alam na nasa likod ang pangalan ng mga party-list.

Depensa naman ni Commissioner Marlon Casquejo, nakapagdesisyon na ang en banc hinggil sa optimization ng ballot paper bago pa malaman ang kabuuang bilang ng kandidato sa pagkasenador at party-list groups dahil tinutukoy pa ang mga ididiskwalipika sa halalan.

TAGS: elections, House of Representatives, elections, House of Representatives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.