Taiwanese arestado sa paggamit ng pekeng passport

By Ricky Brozas June 03, 2019 - 12:48 PM

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang impostor na Taiwanese Matapos magpanggap na isang Pinoy.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, inaresto ang 27-anyos na si Su Ping Yen na nagtangkang lumabas ng bansa lulan ng Air Asia flight patungong Taipei.

Paliwanag ni Medina, nadiskubreng kasama na si Su sa alert list ng Immigration dahil sa paggamit nito ng kwestyonableng Philippine passport.

Nakakulong na ngayon si Su sa detention facility ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang iniintay pa ang resulta ng deportation proceedings laban dito.

Napag’alaman ng mga miyemebro ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit na una nang na offload ng mga tauhan ng Air Asia si Su mula sa isang flight mnito patungong Taipei dahil sa kaduda’dudang Philippine passport.

Matapos ma’offload, agad itong nagbook ng isa pang flight patungong Taipei gamit naman ang kanyang Taiwanese passport.

Agad na ipinagbigay alam ng Air Asia ang kaso ni Su para sa forensic document laboratory examination kung saan nakumpirmang peke ang gamit nitong passport.

Ayon kay Su, nakuha niya ang pekeng Philippine passport sa tulong ng isang kaibigan kapalit ng P3,000.

TAGS: arrested, NAIA, Taiwanese National, arrested, NAIA, Taiwanese National

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.