2016 nat’l budget, naratipikahan na ng Senado

By Kathleen Betina Aenlle December 15, 2015 - 06:30 AM

NATIONAL BUdgetNaratipikahan na ng Senado nitong Lunes ang panukalang P3.002 national budget para sa 2016.

Oras na maratipikahan ng Senate at ng House of Representatives ang 2016 national budget, dadalhin na ito kay Pangulong Benigno Aquino III para malagdaan na.

Kumpyansa naman si Senate committee on finance chair Loren Legarda na mapipirmahan agad ito ng Pangulo bago pa man sumapit ang Pasko.

Ito ani Legarda ang magsisilbing pamasko nila sa mga tao dahil napapaloob sa pambansang budget ang mga alokasyon at probisyon na pakikinabangan ng mga nangangailangan.

Kabilang aniya sa mga highlights ng budget ay ang matinding suporta ng pamahalaan sa pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng mas malaking alokasyon sa Department of Education para sa implementasyon ng K-12 program.

Sa 2016 budget, nakatanggap din ng dagdag sa pondo ang mga state universities and colleges para sa implementasyon ng mga programa, pagpapatayo ng mga gusali sa paaralan at pangdagdag sa mga kagamitan.

TAGS: national budget, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.