Warriors wagi kontra Raptors sa Game 2 ng NBA finals sa score na 109-104

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2019 - 10:54 AM

Nagawang makabawi ng Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA finals.

Naging dikit ang laban, makaraang lumamang ang Raptors sa unang dalawang quarter ng laro.

Pagdating ng 3rd quarter, malaking puntos ang naitala ng Warriors dahilan para makalamang na ito sa laban.

Dikit naman ang laban sa 4th quarter at umabot pa sa pagkakataon na dalawa lang ang lamang ng Warriors ilang segundo bago matapos ang laban.

Pero ang 3 points ni Andre Igoudala ilang segundo bago matapos ang 4th quarter ang dahilan para maitala ng Warriors ang limang na puntos na kalamangan.

Nagtala ng 25 puntos si Klay Thompson, 23 points si Stephen Curry, 11 puntos si DeMarcus Cousins at 17 puntos si Draymond Green.

Dahil sa panalo, tabla na ang serye sa 1-1. Ang Game 3 ng laban ay gaganapin sa Huwebes, alas 9:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

TAGS: Game 2, NBA, nba finals, toronto, warriors, Game 2, NBA, nba finals, toronto, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.